Hesus na aking kapatid
Sa lupa nami'y bumalik
Iyong mukha'y ibang-iba
Hindi kita nakikilala
Tulutan mo'ng aking mata
Mamulat sa katotohanan
Ikaw, Poon makikilala
Sa taong mapagkumbaba
Bukas, Enero 9, ay ang Kapistahan ni Hesus, Poong Nazareno. Inihahandog namin ang awit na "Hesus Na Aking Kapatid" mula sa konsyertong "LUWALHATI SA DIYOS: The Legacy of Fr. Honti," na itinatampok si Jona kasama ang Musician Friends of the Jesuits at Musica Chiesa, sa ilalim ng direksyon ng musika ni Mark Anthony Carpio.
Dalangin namin na makita natin si Hesus sa ating kapwa lalo na sa mga mahihirap nating mga kapatid. #HontiAt100 #jmm #jesuitmusic
コメント